Karapatan ng Kabataan Ating Tutukan

 


            Pagkatapos ng dalawang taon mula nang mag pandemya, ang mga tao ay hinihikayat na mamuhay nang normal. Ang mga protocol noon tulad ng work from home setting, home learning, lockdown, quarantine, at sapilitang pagsusuot ng face mask at face shield ay dahan-dahan nang inaalis.

            Ang tema ng Nationa Children’s Month Celebration ay: New Normal na Walang Iwanan, Karapatan ng Bawat Bata ay ating Tutukan. Inilalahad ang mga Karapatan ng mga bata. Kabilang dito ang Karapatan sa kaligtasan, pakikilahok, pag-uunlad, at proteksyon. Ang mga Karapatan ng bata sa kanyang kaligtasan katulad ng kaligtasan sa pang-aabuso at pagmamaltrato, makakatulong sa pag-uunlad ng bata ang kanyang karapatang mag-aral. Mahalaga din na mayroong partisipasyon ang mga bata sa anumang desisyon na makaapekto sakanila. Ang pagtutok sa mga Karapatan ng bata ay kailangan lalo na ngayong pandemya upang mapanatiling malakas sa pisikal at mental. Ang pag-aaral ngayong pandemya ay hindi madali pero sinusubukan ng mga guro ang kanilang makakaya upang turuan ang kanilang mga mag-aaral online.

            Ayon nga kay Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Ang kabataan ang inaasahan ng lahat na magdating ng pagbabago. Sila ang susunod na gagawa ng mga desisyon na makaka-apekto sa ating bansa. Kaya habang bata palang sila, turuan natin sila ng tama at ito ay kanilang dadalhin sa kanilang pagtanda.


References:

The Convention on the Rights of the Child: The children’s version | UNICEF

Child Development | Child Rights: History, Facts & How To Protect Them (worldvision.org.ph)

https://media.mehrnews.com/d/2018/06/02/4/2796592.jpg


Comments

  1. I like how simple your article is! The elderly should provide the young ones their needs and take care, protect and guide them especially in this time of pandemic, they need to feel that there is still hope and there is a future for them.

    ReplyDelete
  2. I have to say that your article is impressive despite being short and simple. I really do admire your work. During this pandemic, it is a must to guide the youth at these hardest times.

    ReplyDelete
  3. Guiding and supporting the children's needs is really a must. A child can't be shaped with good manners, proper conduct and knowledge without beneficial guidance and protection from an adult.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts